viernes, febrero 23, 2007

remembering medicine

internal medicine was my first toxic rotation. just like to share my previous experiences before it went to oblivion
  • parang buong hospital ang hawak ko. monitor dito, monitor doon. para na kong robot. sa sobrang dami, hindi ka pa tapos sa lahat, q1 ka na ulit.
  • lima lang kaming magkaka- group sa duty. kulang pa kami para magmonitor ng buong hospital. pano na lang pag may E.R. call? it happened to us one time. at isa lang sa min ang nagbantay ng buong ward (pay at service).
  • golden rule pag duty: wag kumain ng pansit, spaghetti, lomi, o kahit anong mahaba pag duty kundi magiging toxic ang duty mo. beware. this never fail.
  • duty ako ng december 25 at january 31. sa ICU/CCU ako nun. honestly, naiyak ako sa sobrang lungkot.. at muntik na magutom dahil wala ng delivery ng food pagsapit ng gabi.
  • first time ko gumawa ng IV insertion at co- clerk ko ang nagturo sa kin kung pano. first time ko din naglagay ng NGT at co- clerk ko pa rin ang nagturo kung pano.
RMC
  • first outside rotation ko ang RMC (Rizal Medical Center) duty from duty status kami dun. as in every other day lang na ligo at every other day na tulog.
  • wala kaming pgi nung nasa RMC kami kaya sobrang kawawa kami dun. huhuhu. hindi kami nagkikita nung partner ko pano ba naman, post namin ER at ward. (kung may intern sana ward lang kami pareho ng partner ko)
  • ward work in rmc: insertion ng IV, ngt, catheter, push ng mannitol, monitoring ng more than a hundred patients, extraction, CTT monitoring at bottle replacement, cardiac massage, ambubagging ng pay ward, service ward at ICU
  • ER work in RMC: same as above except for CTT monitoring and mannitol push, history and PE, gumawa ng request for diagnostics, magreseta, at mag- dispose ng patients. good and bad thing is magka- level lang kami ng resident ko ng trabaho.
  • sa ER post, kain bid (twice a day), urine output od (once a day), tulog--- tulog???? kahit upo wala.
  • OPD pag from duty. mga 200 to 300 patients per day doon. usually, 3 lang kaming nandoon- ako, co- clerk ko, at isang resident. pero 3pm or 4 kami nakakauwi. pano namin nagagawa yon? hehe isang minuto bawat pasyente. history-labs- reseta- dispose. pantay- pantay lang kami ng trabaho.
  • all in all natuto akong maging mabilis sa RMC... at oo nga pala, natuto rin ako gumamit ng ecg machine.
EAST AVENUE MEDICAL CENTER
  • isa lang po ang ecg machine at ang bagal pa nya.
  • hindi na kailangang magmonitor. silipin mo lang ang mga rooms.
  • you really have to check your patients dahil baka magulat ka na lang nag- aarest na pala sila... which happens most of the time
  • masarap ang cake sa East Ave!
  • first time ko sumakay ng ambulance. nagconduct ako ng patient sa isang CT scan center.
  • first time ko nakapag- arterial extraction and i successfully got a sample.
  • isang linggo ako nagduty dito at araw- araw ako nag- CPR.

No hay comentarios: