sábado, noviembre 28, 2009

between the headlines

  • on manny and krista issue. these were the golden rules of men that i heard from sir willy and sir derrick when we visited calatagan.
    • the eleventh commandment: wag kang magpapahuli
    • and the twelveth: pag nahuli ka, wag kang aamin.
  • on maguindanao massacre
    • hindi ko talaga mawari ang nasa utak ng taong may kagagawan nun. akalain mo, hindi lang nya inutos ang pagpapapatay. nandun mismo sya nung nangyari yun. nandun sya na sumalubong at nagpahinto sa unang sasakyan. andun sya na may hawak din na baril. madaling mag- utos. madaling magpakawala ng mga salita. madali ding magtago at bawiin ang mga yun pag tinutugis ka na. pero paano mo magagawa yun kung ikaw mismo ang nakita kasama ng mga armadong militar na bumaril sa mga sibilyan? ang lakas ng loob nya na ituro pa sa iba ang krimen na kanyang nagawa gayong mga witness na mismo ang nagpatotoo na nandun sya.
    • ang pinaka kinasasama ng loob ko sa pangyayaring yun, ay ang pagsunod ng mga militar sa politiko na yun. di ba nila alam ang tungkulin nila? di ba nila alam na sibilyan ang dapat nilang protektahan? sana hindi sila nagpagamit. sana din, katulad ng amo nila, maparusahan din lahat ng may kagagawan sa pagpaslang, militar man o private security group ng taong yun. lahat sila dapat magdusa.
    • at ang kapal naman nya na mag request ng hospital-arrest. wala kang sakit sa katawan. sa utak meron. mabulok ka jan sa kulungan. che!




>>

No hay comentarios: