sábado, diciembre 26, 2009

isang maligayang pasko

na naman ang nagdaan sa buhay ko. simula nung naranasan kong hindi magpasko sa bahay dahil napakaswerte ko na laging duty tuwing pasko at new year, hindi na ko naghahanap pa ng kung ano anong eche bureche. masaya na ako sa simpleng reason na nasa bahay ako kasama ng pamilya ko. wala man boyfriend, mamahaling regalo o kung ano pa man, okay lang.

hinahanap ko dito ang post ko tungkol sa pinakamalungkot na pasko ko. pero hindi ko yun mahanap. ikukwento ko nalang ulit. nung nasa clerkship pa ako, duty ako ng christmas and new year's eve sa pinakamalungkot na bahagi ng hospital, ang CCU- ICU. napakatahimik. kasama ko ang mga pasyenteng half- conscious. hindi nga ata sila aware na pasko na. wala kami nun ma- orderan kase wala nang bukas na fast food chain. buti nalang madaming pinabaon si mami kaya nakakain kaming lahat. habang ang buong hospital ay nag- iingay, nagsasaya, nagbabatian ng merry chistmas, kaming tatlo nila angel at abary ay nagmomonitor ng walang humpay na q15. yun ang unang pagkakataon na hindi ko na napigilang umiyak. hindi ako talaga iyakin pero sa pagkakataon na yon naiyak ako dahil naramdaman ko talaga ang lungkot. kaya ganito nalang ang pagkasaya ko na makasama ang pamilya ko sa araw ng pasko. isa pa, naiisip ko ang daddy ko. tuwing sasapit ang ganitong okasyon, nagpapasalamat ako sa Diyos na nakasama ko pa sya sa araw na yun. happy na ko na alam kong anjan sya kahit pa tulog na sya pagsapit ng 12am. hehe. sana lagi pa rin syang anjan para sa amin.

merry christmas sa inyong lahat! sana nakasama nyo lahat ng mga mahal nyo sa buhay.


sa ibang bagay, matatapos na ang bathroom ni mami. hindi na ko nagpilit pa na- idagdag ang mga iron pieces para sa mediterranean look. pero sinunod pa din naman ang outdoor feel. wish ko matapos na sya before mag new year. ang alikabok kase dito sa bahay.




>>

No hay comentarios: