viernes, abril 07, 2006

back to my old alma mater

i went to my old school last wednesday. best invited me to come coz he's gonna be the guest speaker in the recognition ceremony. naks. tumatanda na kami. dati, kami ang nandoon... nakaupo at nakikinig. ngayon, isa na sa min ang pinakikinggan. late ako dumating kaya hindi ko nakita si dryn. habang hinihintay ko syang mag- speech, naglibot muna ako. aba, ang dami na palang pagbabago! ang ganda na ng luma kong iskwelahan. parang kelan lang... every now and then may mga taong lumalapit sa kin. nakakatuwa na kilala pa nila ako... at pare- pareho lang sila ng tanong sa kin. 'o kamusta na? san ka na ngayon? nagtatrabaho ka na?' kaya iisa lang din ang sagot. 'mabuti po, nag- aaral pa po.' nakakatuwang isipin na dati, isang batang paslit lang tingin nila sa kin pero ngayon, habang kausap ko sila nararamdaman ko yung pagiging proud nila sa kin.

inintroduce na yung guest speaker.naisip ko, kung ako kaya ang magsasalita, ano kayang introduction ang ibibigay nila sa kin? sa ngayon wala pa.hehehe. ..i could only make up what i can and wanted to achieve in the future. hmmm... ano din kaya ang sasabihin ko sa speech ko? siguro i'll never forget to say na ang tunay na kontribusyon ng pagiging carmelian sa tagumpay ng bawat gradweyt ay ang pagdevelop sa kanilang karakter. knowledge may be forgotten and replaced by new things but the values that were implanted in our hearts will forever be there. and guess, that's the best weapon we achieved by being a carmelian. we survived the world outside because we are equipped emotionally and most importantly, spiritually.

after the recognition, best treated us in sm. kasama pala nya si rhodsie sa harap. hehehe. actually, alam ko na darating sya at sya lang talaga ang pinunta ko. namimiss ko na kase ang babaeng yun. marami akong nalaman na mga bagay- bagay sa kanya... hmmm chismis ito. pero on top of that, nakakalungkot isipin na ganun ang nangyari...

'pumunta kami sa pahiyas that time. pinuntahan nya kami dun. natahimik na lang ako nung nakita ko sya. plunging neckline...may kulay ang buhok... hindi ko alam na buntis na pala sya nun. ayun. hi- hello lang.'

shocked? ako din. na- speechless din ako dun. of all people, i never thought na sya pa magiging ganun. buhay talaga. full of surprises.

No hay comentarios: