jueves, agosto 20, 2009

miss independent

yezzz. panalo ang title ng entry na ito. naalala ko since nung bata pa ako, pag tinatanong ako kung ano gusto ko maging, ang sinasagot ko ay 'to become independent.' somehow ngayon nangyayari na yun. hindi man 'totally' independent pero at least sa maraming bagay ako na mismo nagdedesisyon para sa sarili ko.

kanina, pumunta ako ng mall. kahapon ko pa balak pumunta dun. gusto ko sana lumabas at mag- enjoy bago ako magmongha ulit. kailangan na kase mag aral para sa exam.

and so kanina andun ako sa mall mag- isa. nanood ng G.I. Joe at nag window shopping. naghahanap ng makakainan. wala naman akong nakitang resto na may 'acquired taste' akong ma- eexperince. kaya ending e sa bahay kumain.

habang naglalakad sa mall, naisip ko pa din yung mga realization ko kagabi tungkol sa madaming bagay sa buhay ko. lalo na ang love life kong hindi na ulit nag- bloom ng bonggang bongga simula nung nagbreak kami ni 'artagnan' happy ako at nangyari ang realization na yun. at least ngayon hindi na ko magtataka/ magtatanong kung bakit hanggang ngayon mag-isa pa din ako. anyway, kaya nga ako andun sa mall kanina para ilabas ang sarili ko at gumawa ng mga bagay- bagay na ako lang. i was amused to look at the expression of people i come across with. nakakatuwang isipin na wala sa kanilang nakakakilala sa akin. gusto ko ipaalala sa sarili ko na may advantage din ang pag- iisa. na may sense of fulfillment din naman kahit mag- isa.

i wanted to celebrate my freedom while i can. i just want to live for this moment and not to think what tomorrow may bring.

well, i got what i want today coz i had fun.





>>

No hay comentarios: