martes, agosto 18, 2009

one true love

konti na lang at maniniwala na ako na ang para sa akin ay hindi ko matatagpuan sa lugar na ito.
or... hindi NYA ako matatagpuan dito.

hay...

- buntong hininga ng isang bigo ngunit umaasa pa din na isang araw ay matatagpuan din ang batang paslit na ito.




flashback....

HELMET

akala ko sya na pero pag lingon ko, bigla akong nauntog. nasira ang helmet na nakasuot na pala sa ulo ko. akala ko matibay. magpapasalamat ba ako sa isang panaginip na hindi pa man nakapagsisimula ay natapos na agad?

oo.

mas maganda na ito kaysa magising kung kailan nasa kalagitnaan na ng isang magandang panaginip. paniguradong mas masakit 'yon.

hindi na siguro mabubuo ulit ang helmet...

tapos na ang kabanatang ito.

tomorrow, it's time to move on.





>>

No hay comentarios: