lunes, mayo 23, 2005

Bakit ba...

... andaming reklamo ng mga tao? samantalang kung ikukumpara nila ang mga sarili nila sa iba, aba, maswerte pa rin sila.
... kelangang mainggit? e2 talagang hindi ko maintindihan. dapat nga ako pang mainggit sa kanila. sa totoo lang, ayoko ng buhay ko sa ngayon. papano ba naman hanggang ngayon, umaasa pa rin ako sa mga magulang ko. inaamin ko na nahihiya ako tuwing manghihingi ako sa kanila. pano, kung hindi na ko nag- aaral ngayon e di sana kaya ko nang buhayin ang sarili ko at hindi ko na kelangang umasa.
...nakakainis sila? andami dyan hindi nakapag- tapos ng pag-aaral pero hayun, kumakayod. Pinapasok kahit anong trabaho para lang mabuhay. pero hayun, may iba na mas gusto pa ring umasa. at worse, may iba na kahit na kumamayod na, gusto pa ring umasa. kung pinili kong magtrabaho, hindi ako tutulad sa kanila. iisa lang naman talaga ang gusto ko dati pa, ang maging independent. yung secured ako sa sarili ko na kahit sino pang dumating o umalis, kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. walag inaasahang iba. hindi ko naman gustong mag- isa. pero kung pipili ako ng role between tumutulong at tinutulungan, dun na ko sa una. hanggat makakaya ko gagawin ko yun.

sana lang matauhan naman sila... marealize nila na maswerte sila.
oo, nagrereklamo din ako kung minsan dahil hindi lahat meron ako. pero sa tuwing mangyayari yon, inaalala ko lahat ng blessings ko. COUNT YOUR BLESSINGS. at dahil don, narerealize ko na wala pala akong dapat ireklamo. dapat pa nga akong magpasalamat dahil maswerte pa pala ako.

maswerte ka din. masyado ka lang preoccupied sa pagpuna sa iba kaya hindi mo nakikita kung anong meron ka.

(hay, i guess marami lang nangyari ngayong araw na to na kelangang ilabas. e ano pa nga bang silbi ng blog na to kundi yon di ba?)

No hay comentarios: