sábado, octubre 17, 2009

huh!? ano daw??? anlabo!

ayokong magsulat. hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko. hindi ko din alam kung ano talaga ang nararamdaman ko. isa lamang akong batang paslit na naglalakad sa kawalan. at malamang ay naliligaw na rin ng landas...

walang salita na kayang bigkasin ang mga bagay na nararamdaman ko ngayon. siguro dahil pabago- bago sila. katulad ng magulo kong isip. magulo. walang ayos. wala din sigurong patutunguhan.

hindi ko alam kung bakit sinusulat ko ito. siguro sa isang banda, gusto kong isipin na may isang taong nakikinig. isang taong maaring nadarama din kung ano ang nararamdaman ko ngayon. isang taong magsasabi, "keri lang yan." kahit alam kong hindi.

pustahan tayo hindi mo ako naiintindihan. pero huwag kang mag- alala. maiintindihan ko kung bakit. ang mahalaga nakinig ka.




>>

No hay comentarios: